Hugot Soul Session #6 Song: Hiling with Spoken Word Poetry

Juana Know - Hiling with Hugot Spoken Word Poetry


Hugot Song: Hiling by Mark Carpio
Spoken Word Poetry: 

Pagbigyan ang Hiling
by Juana

Kasalanan nga bang umibig?
Kasalanan ba ang mahalin ka?
Kasalanan bang pangarapin ka ng pusong tanging hiling ay mahalin ka?
Ang pusong ang pintig ay tanging ikaw at wala ng iba?

Hindi madaling limutin kahit pilit mang ibaon
Ibaon ang mga sakit na dulot ng pag-ibig ko sa’yo,
Ibaon ang mga ala-alang minsan akong pinasaya,
Ibaon ang mga ala-alang minsan din akong sinaktan at ginambala,
At ibaon ang mga katanungan na tanging ikaw lamang ang makakasagot.
Ngayon. Papaano? Papaano ka lilimutin ng pusong di nakakalimot?
Papaano nga ba kung
Sa bawat ihip ng hangin, haplos mo ang hiling
Sa bawat awit ng pag-ibig, lumbay ang naririnig
Sa bawat oras na pumapatak, mga luha ang tumatagaktak
At kung sa bawat pag-ikot ng mundo, ikaw lamang ang laman nito?

Kaysarap magpantasiyang ikaw ay akin,
Ngunit kaysakit na magising sa katotohanang ito ay is lamang panaginip
Mali ba ang nararamdaman kong ito?
O dinadaya lamang ako ng tadhanang di pinapansin ang hiling ko?
Wala na bang karapatan na ako’y pagbigyan?
Pagbigyan ang hiling, hiling ng pusong tunay na nagmamahal. 

Mark Carpio Lyrics- Hiling


Ito ay isang dalangin
Huwag sanang ipagkait
Matagpuan na ang hanap
Na pangarap...
Na pangarap...

Kasalanan nga bang umibig?
Parusang lungkot ang hatid
Lamig ng hangin ang yakap
Tuwing gabi...
Tuwing gabi...

Pinipilit mang itago
Hindi kayang maglaho
Ang mga katanungang tulad ng...

Bakit parang sa'kin lamang may galit
madayang tadhanang iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?

Lumilipad ang aking isip
Bigla na lang napapailing
Wala na ngang mapagtuunan
Ng pansin...
Ng pansin...

Pinipilit mang itago
Hindi kayang maglaho
Ang mga katanungang tulad ng...
Tulad ng...

Bakit parang sa'kin lamang may galit
Ang madayang tadhanang iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?

Nakahanda ang puso
Kahit pa ako ay masakatan

Kung sino man para sa'kin
Hindi ko sasayangin
Madayang tadhana iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?

Kung sino man para sa'kin kahit magalit
Oh madayang tadhana iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?

Check out Mark Carpio's song called Hiling on YouTube, just click the link below:
Hiling| Mark Carpio (YouTube)

Comments

Popular posts from this blog

Hugot Soul Session #4 Song: Pansamantala with Spoken Word Poetry

Hugot Soul Session #2 Song: Kaibigan Mo with Spoken Word Poetry

Hugot Soul Session #1 Song: Torete with Spoken Word Poetry