Hugot Soul Session #4 Song: Pansamantala with Spoken Word Poetry

Juana Know - Pansamantala with Hugot Spoken Word Poetry


Hugot Song: Pansamantala by Callalily
Spoken Word Poetry: 

Kahit Pansamantala
by Juana

“Rebound” “Panakip butas” “Option”
Mga salitang dahilan ng pag-iibigang maikling panahon
Pag-iibigang hindi nagtatagal dahil madalas, panakip butas
Pag-ibig na akala mo ikaw ang priority pero madalas, option lagi
Pag-ibig na akala mo pag-ibig na tunay, pero ginamit ka lang
Pag-ibig na akala mo magtatagal pero madalas pansamantala lang pala.

Pansamantala lang ba ito?
Pansamantalang unan sa tuwing ika’y nahihirapan?
Pansamantalang panyo sa tuwing nasasaktan?
Pansamantalang magpupuna sa mga kakulangan niya sa’yo

Sana ako na lang.
Sana ako na lang ang pinili mo kung ako lang din ang sasalo
Sana ako na lang ang minahal mo, at hindi siyang nanakit sa’yo
Sana ako na lang na kaibigan mo na laging umaakay sayo.

Pero alam ko. Alam ko naman na kaibigan lang ang lugar ko sa’yo
Alam kong hinding hindi magiging tayo.
Alam ko na ako ang taong pansamantala lang para sa’yo
Pansamantalang unan mo, panyo mo sa tuwing nasasaktan
Alam kong pansamantalang pag-ibig lang ang maibibigay mo
Sa pangmatagalang pag-ibig ko sa’yo
Pero hindi ko ‘to pagsisisihan dahil sa huli.
Hanggang sa huli. Kahit pansamantala lang ang lahat.
Naging masaya ako sa pansamantalang kapiling ka.
Kahit pansamantala.

Callalily Lyrics- Pansamantala


Siya na ang mayaman
Siya na ang may auto, siya na
Siya na ang meron ng lahat
Ng bagay na wala ako
'Di mo man sabihin
Aking napapansin

Kapag nalagay ka sa alanganin
Heto na naman tayo

Pansamantalang unan
Sa tuwing ika'y nahihirapan
Pansamantalang panyo
Sa tuwing ika'y nasasaktan

Bakit ba sa akin na lang
Palagi ang takbo
Sa tuwing kayo ay may away
Ako ang lagi mong karamay
'Di naman tayo, hindi
'Di ba't hindi

Pansamantalang unan
Sa tuwing ika'y nahihirapan
Pansamantalang panyo
Sa tuwing ika'y nasasaktan

Kaibigan lang bang maituturing
Ang hirap naman yata mangapa sa dilim
Sino nga ba talaga sa amin ang iyong

Pansamantalang unan
Sa tuwing ika'y nahihirapan
Pansamantalang panyo
Sa tuwing ika'y nasasaktan

Pansamantala, pansamantala
Pansamantala
Tanggap ko na

Check out Callalily's song called Pansamantala on YouTube, just click the link below:
Pansamantala| Callalily (YouTube)

Comments

Popular posts from this blog

Hugot Soul Session #2 Song: Kaibigan Mo with Spoken Word Poetry

Hugot Soul Session #1 Song: Torete with Spoken Word Poetry