Hugot Soul Session #2 Song: Kaibigan Mo with Spoken Word Poetry

Juana Know - Kaibigan Mo Hugot Spoken Word Poetry


Hugot Song: Kaibigan Mo by Sarah Geronimo (ft. Yeng Constantino)
Spoken Word Poetry: 


Kaibigan sa Kabiguan 
by Juana

Nag-iisa. Nag-iisa lang siya sa mundo 
Sa mundong punong puno ng nang-iiwang tao 
Siya lang ang Hindi. 
Taong Hindi ako iniwan, hindi ako pinaasa, at hindi ako binalewala. 
Ang taong mahal ko at mahal ako, ang kaibigan ko

Sabi nga sa kanta, "walang papantay sa'yo, maging sino man sila" 
Oo. Tama. Wala ng makahihigit pa sa kaniya 
Baka mainggit kayo kung iisa-isahin ko pa 
Sige. Heto na, ipakikilala ko na siya. 

Sandalan siya ng pagod na balikat ng nakabinbin na problema. 
Panyo ng tumatagaktak na luha sa oras ng kahinaan. 
Tainga na nakikinig sa boses ng pananahimik. 
Ang tagatagpi ng basag na basag kong pusong tunay na nagmamahal. 
Siya ang aking kaibigan sa mundong punong-puno ng kabiguan. 
Pero ipagkakait ko muna ang kaniyang ngalan. 
Darating din ang panahon, makikilala niyo ang anghel ng aking buhay, 
Ang aking kaibigan sa kabiguan.

Sarah Geronimo Lyrics- Kaibigan Mo

(feat. Yeng Constantino)


Umiiyak ka na naman
Lumapit ka sabihin ang dahilan
Ba't ka lumuluha, ba't ka lumuluha

Tutulungan na gumaan
Andito lang ako, ika'y pakikinggan
Wag ka nang lumuha, wag ka nang lumuha

Tahan na

Ako, ako ang kaibigan mo
Di mawawala sa piling mo
Dumaan man ang mga bagyo
Andito lang ako para sa'yo

Ako, ako ang kaibigan mo
Di mawawala sa piling mo
At kahit na magkalayo tayo
Andito lang ako para sa'yo
Kaibigan mo

Wag mong pilitin kung masakit
Isigaw mo ang mga pait
Habang lumuluha, habang lumuluha

Tutulungan na gumaan
Andito lang ako, ika'y pakikinggan
Wag ka nang lumuha, wag ka nang lumuha

Tahan na

Ako, ako ang kaibigan mo
Di mawawala sa piling mo
Dumaan man ang mga bagyo
Andito lang ako para sa'yo

Ako, ako ang kaibigan mo
Di mawawala sa piling mo
At kahit na magkalayo tayo
Andito lang ako para sayo
Kaibigan mo

Dadamayan kahit kailan
Di ka iiwan, ika'y sasamahan
Sa lahat ng luha
Sa lahat ng drama
Tayo ang magkasama

Ako, ako ang kaibigan mo
Di mawawala sa piling mo
Dumaan man ang mga bagyo
Andito lang ako para sa'yo

Ako, ako ang kaibigan mo
Di mawawala sa piling mo
At kahit na magkalayo tayo
Andito lang ako para sayo
Kaibigan mo

Check out Sarah Geronimo's song called Kaibigan Mo on Youtube, just click the link below:


Hi guys! I want to say sorry If I wasn't able to post song covers in my blog, I'm badly sick but I promise, I'll make a hugot song cover with spoken poetry soon. Lots of love. ~Juana

Comments

Popular posts from this blog

Hugot Soul Session #4 Song: Pansamantala with Spoken Word Poetry

Hugot Soul Session #1 Song: Torete with Spoken Word Poetry