Posts

Showing posts from October, 2017

Hugot Soul Session #7 Song: Titibo-tibo with Spoken Word Poetry

Juana Know - Titibo-tibo with Hugot Spoken Word Poetry Hugot Song: Titibo-tibo by Moira Dela Torre Spoken Word Poetry:  Titibo-tibo, Titibok-tibok by  Juana This is not... a choice Sabi nila pinili kong maging ganito Pero hindi. Hindi ko piniling maging ganito Hindi ko piniling kumilos na parang titibo-tibo At lalong hindi ko piniling maging ako Dahil ako ay ako Ginawang perpekto ng Diyos pantay sa kahit sino Ngayon bago pa may tumakbo sa inyong isipan at simulang manghusga Pakinggan niyo muna ang lahat at ang aking simula Mula pagkabata'y nakagisnang laruin Mga larong hindi karaniwan na pambabae kung ituring Mga gawing naiiba sa nakararami Pero Hindi. Isa lamang akong babaeng titibo-tibo na hindi naman tibo Ako ay babae, pero ibang bersiyon ng tipikal na babae Ako ay babae, pero hindi ang babaeng gusto ng mundong maging ako Ako ay babae, na sa gawi at paraang ito nagiging matapang ako Ako ay babae, kahit na titibo-tibo Ngunit kahit ako ay ti

Hugot Soul Session #6 Song: Hiling with Spoken Word Poetry

Juana Know - Hiling with Hugot Spoken Word Poetry Hugot Song: Hiling by Mark Carpio Spoken Word Poetry:  Pagbigyan ang Hiling by  Juana Kasalanan nga bang umibig? Kasalanan ba ang mahalin ka? Kasalanan bang pangarapin ka ng pusong tanging hiling ay mahalin ka? Ang pusong ang pintig ay tanging ikaw at wala ng iba? Hindi madaling limutin kahit pilit mang ibaon Ibaon ang mga sakit na dulot ng pag-ibig ko sa’yo, Ibaon ang mga ala-alang minsan akong pinasaya, Ibaon ang mga ala-alang minsan din akong sinaktan at ginambala, At ibaon ang mga katanungan na tanging ikaw lamang ang makakasagot. Ngayon. Papaano? Papaano ka lilimutin ng pusong di nakakalimot? Papaano nga ba kung Sa bawat ihip ng hangin, haplos mo ang hiling Sa bawat awit ng pag-ibig, lumbay ang naririnig Sa bawat oras na pumapatak, mga luha ang tumatagaktak At kung sa bawat pag-ikot ng mundo, ikaw lamang ang laman nito? Kaysarap magpantasiyang ikaw ay akin, Ngunit kaysakit na m

Hugot Soul Session #5 Song: Hanggang Kailan with Spoken Word Poetry

Juana Know - Hanggang Kailan with Hugot Spoken Word Poetry Hugot Song: Hanggang Kailan by Michael Pangilinan Spoken Word Poetry:  Hanggang Dito na lang ang Biyahe ng Pag-ibig by  Juana Hanggang kailan? Hanggang kailan, hanggang saan ang aabutin Ng puso kong tunay na nagmamahal Ng puso kong patuloy na umaasa Ng puso kong nagpapakabaliw sa pag-asang Balang araw pagmamahal mo’y manumbalik Hanggang kailan? Hanggang kailan, hanggang saan titiisin Ang lumbay ng pagdadalamhati buhat ng iyong paglisan Ang hikbi ng pusong iyong sinugatan Ang sakit na nakabinbin dahil iniwan mong nag-iisa Nag-iisang lumalaban para sa ating dalawa Hanggang kailan? Hanggang kailan, hanggang saan magdurusa? Batid ko na. Batid kong hanggang dito na lang ang lahat. Hanggang dito na lang ang biyahe ng pag-iibigang di naging sapat Dahil noon pa dapat nagtayo ng pader sa aking puso Upang hindi na muling masugatan Upang hindi na muling umasa At upang hindi na m

Hugot Soul Session #4 Song: Pansamantala with Spoken Word Poetry

Juana Know - Pansamantala with Hugot Spoken Word Poetry Hugot Song: Pansamantala by Callalily Spoken Word Poetry:  Kahit Pansamantala by  Juana “Rebound” “Panakip butas” “Option” Mga salitang dahilan ng pag-iibigang maikling panahon Pag-iibigang hindi nagtatagal dahil madalas, panakip butas Pag-ibig na akala mo ikaw ang priority pero madalas, option lagi Pag-ibig na akala mo pag-ibig na tunay, pero ginamit ka lang Pag-ibig na akala mo magtatagal pero madalas pansamantala lang pala. Pansamantala lang ba ito? Pansamantalang unan sa tuwing ika’y nahihirapan? Pansamantalang panyo sa tuwing nasasaktan? Pansamantalang magpupuna sa mga kakulangan niya sa’yo Sana ako na lang. Sana ako na lang ang pinili mo kung ako lang din ang sasalo Sana ako na lang ang minahal mo, at hindi siyang nanakit sa’yo Sana ako na lang na kaibigan mo na laging umaakay sayo. Pero alam ko. Alam ko naman na kaibigan lang ang lugar ko sa’yo Alam kong hinding hindi ma