Posts

Showing posts from September, 2017

Hugot Soul Session #3 Song: Malaya with Spoken Word Poetry

Juana Know - Malaya Hugot Spoken Word Poetry Hugot Song: Malaya by Moira dela Torre Spoken Word Poetry:  Pagbitaw, Isang Paraan ng Pagkapit by  Juana "Tama na. Masakit na" Mga linyang paulit-uling na lang naririnig Mula sa mga taong umaatras na sa laban ng pag-ibig Hindi dahil naduduwag, kundi dahil tunay na nagmamahal. Masakit. Oo masakit. 'Yan ang regalong hatid ng pag-ibig. Hindi lang puro saya, hindi lang puro ligaya, Nariyan din ang maraming hamon Hamong kailangang suungin sa ngalan ng pag-ibig. Ngunit kung mga sandata ng oras ang kalaban. Kung sinasabi ng mundong tama na. Kung sinasabi ng tumigil na. Kung sinabi na niyang,  "Malaya ka na" Marahil ito na. Ito na ang tamang oras, para itigil na, para patulugin na ang pusong pagod na sa kahihintay. Ito na ang tamang oras para maging  Malaya . Ito na ang tamang oras para mahalin ang sarili at maging masaya. Ito na ang tamang oras, Ang tamang oras ng 

Hugot Soul Session #2 Song: Kaibigan Mo with Spoken Word Poetry

Image
Juana Know - Kaibigan Mo Hugot Spoken Word Poetry Hugot Song: Kaibigan Mo by Sarah Geronimo (ft. Yeng Constantino) Spoken Word Poetry:  Kaibigan sa Kabiguan  by  Juana Nag-iisa. Nag-iisa lang siya sa mundo  Sa mundong punong puno ng nang-iiwang tao  Siya lang ang Hindi.  Taong Hindi ako iniwan, hindi ako pinaasa, at hindi ako binalewala.  Ang taong mahal ko at mahal ako, ang  kaibigan  ko Sabi nga sa kanta, "walang papantay sa'yo, maging sino man sila"  Oo. Tama. Wala ng makahihigit pa sa kaniya  Baka mainggit kayo kung iisa-isahin ko pa  Sige. Heto na, ipakikilala ko na siya.  Sandalan siya ng pagod na balikat ng nakabinbin na problema.  Panyo ng tumatagaktak na luha sa oras ng kahinaan.  Tainga na nakikinig sa boses ng pananahimik.  Ang tagatagpi ng basag na basag kong pusong tunay na nagmamahal.  Siya ang aking kaibigan sa mundong punong-puno ng kabiguan.  Pero ipagkakait ko muna ang kaniyang ngalan.  Darating din

Hugot Soul Session #1 Song: Torete with Spoken Word Poetry

Juana Know - Torete cover with Hugot Spoken Word Poetry Hugot Song: Torete by Moonstar88  Spoken Word Poetry:  Torete  by Juana Sabi nila, "Love makes you crazy" Tama nga naman. Naipararanas niya sa'yo ang panandaliang kasiyahan Kasiyahan na minsan nagdudulot ng kasawian, kabiguan at kabaliwan. Torete . Torete sa lintik na pag-ibig na 'yan Na tanging pagpapantasiya ang laman ng iyong isipan Na para bang dinadala ka sa alapaap ng kamangmangan Sa pag-asang darating ang panahon na ikaw, ako, tayo hanggang hangganan Bakit ba sa tuwing naririnig ko ang bawat letra ng pangalan mo Hindi ko mapigilan ang kabaliwan ko at parang magic, nahulog nanaman ako Pero. Heto nanaman ang salitang pero Hindi ko tiyak kung sasaluhin mo ako Kaya pipigilan ko na lang ang puso kong huwag ng ipagsisiksikan sa iyo. Moonstar88 Lyrics- Torete Sandali na lang Maaari bang pagbigyan Aalis na nga Maaari bang hawakan nang Iyong mga kamay Sana ay ma

Pakinggan ang Hugot ng Pananahimik

Image
Sawi? Nagmamahal? Nasasaktan? Nagdradrama? Nagpapakabaliw sa pag-ibig? Bes! Huwag kang mag-alala, dahil sagot kita d'yan! You're on the right blog, dahil ako si Juanang Hugotera na, Biritera pa ng mga hugot songs na siguradong makare-relate ka. Tara na and join my walang katapusang "Juana Hugot Soul Sessions" Don't forget to follow my blog to see more of my "hugot with a song"   Here's my patikim hugot for you: HUGOT ni Juana Umpisahan natin ang lahat sa salitang "Hugot" Hugot. Isang salitang punong-puno ng kuwento Ang salitang bumago sa aking mundo Humuhugot ako para sa mga tao taong, sawi, nasaktan, iniwan at nabigo Masakit. Oo masakit At ang mas masakit, tanging mga hugot lamang ang aking masasambit Ang mga hugot na wari bang katatawanan Ngunit ang totoo ay punong-puno ng emosyon at dramahan Hikbi. Humihikbing mga puso ng mga taong nagsusulat nito Hugot, ika nga, hugot na mula sa puso Sana