Hugot Soul Session #3 Song: Malaya with Spoken Word Poetry

Juana Know - Malaya Hugot Spoken Word Poetry


Hugot Song: Malaya by Moira dela Torre
Spoken Word Poetry: 

Pagbitaw, Isang Paraan ng Pagkapit
by Juana


"Tama na. Masakit na"
Mga linyang paulit-uling na lang naririnig
Mula sa mga taong umaatras na sa laban ng pag-ibig
Hindi dahil naduduwag, kundi dahil tunay na nagmamahal.

Masakit. Oo masakit.
'Yan ang regalong hatid ng pag-ibig.
Hindi lang puro saya, hindi lang puro ligaya,
Nariyan din ang maraming hamon
Hamong kailangang suungin sa ngalan ng pag-ibig.

Ngunit kung mga sandata ng oras ang kalaban.
Kung sinasabi ng mundong tama na.
Kung sinasabi ng tumigil na.
Kung sinabi na niyang, "Malaya ka na"
Marahil ito na.
Ito na ang tamang oras, para itigil na, para patulugin na ang pusong pagod na sa kahihintay.
Ito na ang tamang oras para maging Malaya.
Ito na ang tamang oras para mahalin ang sarili at maging masaya.
Ito na ang tamang oras,
Ang tamang oras ng pagbitaw, na isang paraan ng pagkapit.

Moira Dela Torre Lyrics- Malaya


Pasensya na, kung papatulugin na muna
Ang pusong napagod kakahintay
Kaya sa natitirang segundong kayakap ka
Maaari bang magkunwaring akin ka pa

Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit

Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin
Baka sakaling maibalik

Malaya ka na, Malaya

Isusuko na ang sandata aatras na sa laban
Di dahil naduduwag kundi dahil mahal kita
Mahirap nang labanan mga espada ng orasan
Kung pipilitin pa, lalo lang masasaktan

Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit

Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin
Baka sakaling maibalik

Malaya ka na, Malaya


Check out Moira's song called Malaya on YouTube, just click the link below:
Malaya| Moira Dela Torre (YouTube)

Hi guys! I want to say sorry If I wasn't able to post song covers in my blog, I'm badly sick but I promise, I'll make a hugot song cover with spoken poetry soon. Lots of love. ~Juana

Comments

Popular posts from this blog

Hugot Soul Session #4 Song: Pansamantala with Spoken Word Poetry

Hugot Soul Session #2 Song: Kaibigan Mo with Spoken Word Poetry

Hugot Soul Session #1 Song: Torete with Spoken Word Poetry