Hugot Soul Session #1 Song: Torete with Spoken Word Poetry

Juana Know - Torete cover with Hugot Spoken Word Poetry


Hugot Song: Torete by Moonstar88 
Spoken Word Poetry: 

Torete 
by Juana

Sabi nila, "Love makes you crazy"
Tama nga naman. Naipararanas niya sa'yo ang panandaliang kasiyahan
Kasiyahan na minsan nagdudulot ng kasawian, kabiguan at kabaliwan.

Torete. Torete sa lintik na pag-ibig na 'yan
Na tanging pagpapantasiya ang laman ng iyong isipan
Na para bang dinadala ka sa alapaap ng kamangmangan
Sa pag-asang darating ang panahon na ikaw, ako, tayo hanggang hangganan

Bakit ba sa tuwing naririnig ko ang bawat letra ng pangalan mo Hindi ko mapigilan ang kabaliwan ko at parang magic, nahulog nanaman ako Pero. Heto nanaman ang salitang pero Hindi ko tiyak kung sasaluhin mo ako Kaya pipigilan ko na lang ang puso kong huwag ng ipagsisiksikan sa iyo.

Moonstar88 Lyrics- Torete

Sandali na lang
Maaari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan nang
Iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit
Ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip

Chorus:
'Wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sa'yo
Kahit na lilipad ang isip
Ko'y torete sa'yo

Ilang gabi pa nga lang
Nang tayo'y pinagtagpo
Na parang may tumulak
Nanlalamig nanginginig na ako

Akala ko nung una
May bukas ang ganito
Mabuti pang umiwas
Pero salamat na rin at nagtagpo

Torete, torete, torete ako
Torete, torete, torete, sa iyo

Chorus

Torete, torete, torete ako

Torete, torete, torete, sa iyo


Torete Song Cover with Spoken Word Poetry by Juana

Bitin?  Just click the link below the video to watch the full video or go to my Youtube Channel . Don't forget to subscribe. Thanks.

Comments

Popular posts from this blog

Hugot Soul Session #4 Song: Pansamantala with Spoken Word Poetry

Hugot Soul Session #2 Song: Kaibigan Mo with Spoken Word Poetry