Hugot Soul Session #5 Song: Hanggang Kailan with Spoken Word Poetry

Juana Know - Hanggang Kailan with Hugot Spoken Word Poetry


Hugot Song: Hanggang Kailan by Michael Pangilinan
Spoken Word Poetry: 

Hanggang Dito na lang ang Biyahe ng Pag-ibig
by Juana

Hanggang kailan?
Hanggang kailan, hanggang saan ang aabutin
Ng puso kong tunay na nagmamahal
Ng puso kong patuloy na umaasa
Ng puso kong nagpapakabaliw sa pag-asang
Balang araw pagmamahal mo’y manumbalik

Hanggang kailan?
Hanggang kailan, hanggang saan titiisin
Ang lumbay ng pagdadalamhati buhat ng iyong paglisan
Ang hikbi ng pusong iyong sinugatan
Ang sakit na nakabinbin dahil iniwan mong nag-iisa
Nag-iisang lumalaban para sa ating dalawa

Hanggang kailan?
Hanggang kailan, hanggang saan magdurusa?
Batid ko na. Batid kong hanggang dito na lang ang lahat.
Hanggang dito na lang ang biyahe ng pag-iibigang di naging sapat
Dahil noon pa dapat nagtayo ng pader sa aking puso
Upang hindi na muling masugatan
Upang hindi na muling umasa
At upang hindi na muling masaktan ang puso
Ang pusong basag na basag na dahil sa patuloy na pagmamahal sa’yo
Tama na. Masakit na. Hanggang Dito na lang ang biyahe ng pag-ibig ko
Pipilitin ko. Kaya ko ng wala ka.


Michael Pangilinan Lyrics- Torete

Akala ko sa'yo natagpuan
Pag-ibig na walang hanggan
Ang ating pagsasama
Pinaglaruan ng tadhana
Nagmahal ka ng iba
Iniwan mo akong mag isa
Hindi ko maturuan ang pusong
'Wag magmahal ng tapat sa'yo

Kahit pa, ako'y bahagi na lamang,
Ng nakaraan mo ohhh
Andito lang ako sa'yo

Chorus

Hanggang kailan aasa?
Hanggang kailan magdurusa?
Hanggang kailan?
Hanggang kailan?

Hanggang kailan aasa?
Hanggang kailan magdurusa?
Hanggang kailan?
Hanggang kailan?

Tanggap ko ako'y muling masasaktan
Pagdurusa sa piling mo'y pagdaraanan
Ang tanging tanong ko lang?
Hanggang kailan?

Batid kong hanggang dito nalang
Kaya pipilitin ika'y talikuran
Ika'y aking lilimutin
Hanggang kailan?

Chorus

Check out Michael Pangilinan's song called Hanggang Kailan on YouTube, just click the link below:
Hanggang Kailan| Michael Pangilinan (YouTube)

Comments

Popular posts from this blog

Hugot Soul Session #4 Song: Pansamantala with Spoken Word Poetry

Hugot Soul Session #2 Song: Kaibigan Mo with Spoken Word Poetry

Hugot Soul Session #1 Song: Torete with Spoken Word Poetry