Hugot Soul Session #7 Song: Titibo-tibo with Spoken Word Poetry

Juana Know - Titibo-tibo with Hugot Spoken Word Poetry


Hugot Song: Titibo-tibo by Moira Dela Torre
Spoken Word Poetry: 

Titibo-tibo, Titibok-tibok
by Juana

This is not... a choice
Sabi nila pinili kong maging ganito
Pero hindi.
Hindi ko piniling maging ganito
Hindi ko piniling kumilos na parang titibo-tibo
At lalong hindi ko piniling maging ako
Dahil ako ay ako
Ginawang perpekto ng Diyos pantay sa kahit sino

Ngayon bago pa may tumakbo sa inyong isipan at simulang manghusga
Pakinggan niyo muna ang lahat at ang aking simula
Mula pagkabata'y nakagisnang laruin
Mga larong hindi karaniwan na pambabae kung ituring
Mga gawing naiiba sa nakararami
Pero Hindi.
Isa lamang akong babaeng titibo-tibo na hindi naman tibo
Ako ay babae, pero ibang bersiyon ng tipikal na babae
Ako ay babae, pero hindi ang babaeng gusto ng mundong maging ako
Ako ay babae, na sa gawi at paraang ito nagiging matapang ako
Ako ay babae, kahit na titibo-tibo

Ngunit kahit ako ay titibo-tibo at tigasin
Puso ko'y patuloy na tumitibok
Titibok-tibok para lamang sa isa
Isang lalaking handang mahalin ang tulad kong titibo-tibo
At darating din ang tamang panahon,
Sa panahong tadhana na mismo,
Sa panahong ang ating mga puso,
Sa panahong ang pag-ibig ang siyang kikilos
Upang pagtagpuin ang dalawang pusong matagal na naghanap 
at pusong tunay na nagmagmahal.

Moira Dela Torre Lyrics- Titibo-tibo

Elementary pa lang napapansin na nila
Mga gawi kong parang hindi pambabae e kasi
Imbes na Chinese garter laruan ko ay teks at jolens
Tapos ka-jamming ko lagi noon mga sigang lalaki sa amin

Nung ako'y mag-high school ay napabarkada sa mga bi
Curious na babae na ang hanap din ay babae
Sa halip na makeup kit bitbit ko ay gitara
Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves na tshirt at faded na lonta

Pero noong nakilala kita nagbagong bigla ang aking timpla
Natuto ako na magparebond at mag-ahit ng kilay at least once a month
Hindi ko alam kung anong meron ka na sa akin ay nagpalambot nang bigla
Sinong mag-aakalang lalake pala ang bibihag sa tulad kong tigreng gala

Kahit ako'y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo
Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan
At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang
Sikat ng araw-araw mong pag-ibig
Sa'king buhay nagpapasarap

Nung tayo'y nag-college ay saka ko lamang binigay ang matamis na oo
Sampung buwan mong trinabaho
Sa halip na tsokolate at tipikal na mga diskarte
Nabihag mo ko sa mga tula at sa mga kanta mong pabebe

Kaya nga noong makilala kita alam mo na agad na mayroong himala
Natuto akong magtakong at napadalas ang pagsuot ng bestidang pula
Pero di mo naman inasam na ako ay magbabagong tuluyan para patunayang
Walang matigas na tinapay sa mainit na kape ng iyong pagmamahal

Kahit ako'y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo
Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan
At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang
Sikat ng araw-araw mong pag-ibig
Sa'king buhay nagpapasarap

Check out Moira Dela Torres' song called Titibo-tibo on YouTube, just click the link below:
Titibo-tibo| Moira Dela Torre (YouTube)

Comments

Popular posts from this blog

Hugot Soul Session #4 Song: Pansamantala with Spoken Word Poetry

Hugot Soul Session #2 Song: Kaibigan Mo with Spoken Word Poetry

Hugot Soul Session #1 Song: Torete with Spoken Word Poetry